LUHA
RufinoAlejandro
Walang unang pagsisisi, ito’y laging nasa huli.
Daloy aking luha …Daloy aking luha, sa gabing malalim
Sa iyong pag-agos, ianod mo lamang ang aking damdamin,
hugasan ang puso –yaring abang pusong luray sa hilahil,
nang gumaan-gaan ang pinapasan ko na libong tiisin!
Nang ako’y musmos pa at bagong namukad yaring kaisipan,
may biling gayari si Ama’t si Ina bago sumahukay.
“Bunso, kaiingat sa iyong paglakad sa landas ng buhay.
ang ikaw’y mabuyo sa gawang masama’y dapat mong iwasan.”
Nang ako’y lumaki, ang pahat kong isip ay biglang nagpakpak,
ng kapalalua’t ang aral ni Ama’t ni Ina’y hinamak;
sa maalong dagat ng buhay sa mundo’y nag-isang lumayag,
iniwan sa pampang ang timbulang baon na aking tinanggap!
Malayang tumungga sa sarong may lason ng kaligayahan
na itong huli na’y nakilalang alak na nanatay.
Ang pinagbataya’y dapat magpasasa sa kasalukuya’t
isang “Bahala na!”ang tanging iniukol sa Kinabuksan!
Kaya naman ngayon, sa katandaan ko ay walang nalabi
kundi ang lasapin ang dita ng isang huling pagsisisi;
tumangis sa labi ng sariling hukay ng pagkadugahi’t
iluha ang aking palad na nasapit na napakaapi!
Daloy, aking luha … Dumaloy ka ngayon at iyong hugasan
ang pusong nabagbag sa pakikibaka sa dagat ng buhay;
ianod ang dusang dulot ng tinamong mga kabiguan.
nang yaring hirap ko’t susun-susong sakit ay gumaan-gaan!
RufinoAlejandro
Walang unang pagsisisi, ito’y laging nasa huli.
Daloy aking luha …Daloy aking luha, sa gabing malalim
Sa iyong pag-agos, ianod mo lamang ang aking damdamin,
hugasan ang puso –yaring abang pusong luray sa hilahil,
nang gumaan-gaan ang pinapasan ko na libong tiisin!
Nang ako’y musmos pa at bagong namukad yaring kaisipan,
may biling gayari si Ama’t si Ina bago sumahukay.
“Bunso, kaiingat sa iyong paglakad sa landas ng buhay.
ang ikaw’y mabuyo sa gawang masama’y dapat mong iwasan.”
Nang ako’y lumaki, ang pahat kong isip ay biglang nagpakpak,
ng kapalalua’t ang aral ni Ama’t ni Ina’y hinamak;
sa maalong dagat ng buhay sa mundo’y nag-isang lumayag,
iniwan sa pampang ang timbulang baon na aking tinanggap!
Malayang tumungga sa sarong may lason ng kaligayahan
na itong huli na’y nakilalang alak na nanatay.
Ang pinagbataya’y dapat magpasasa sa kasalukuya’t
isang “Bahala na!”ang tanging iniukol sa Kinabuksan!
Kaya naman ngayon, sa katandaan ko ay walang nalabi
kundi ang lasapin ang dita ng isang huling pagsisisi;
tumangis sa labi ng sariling hukay ng pagkadugahi’t
iluha ang aking palad na nasapit na napakaapi!
Daloy, aking luha … Dumaloy ka ngayon at iyong hugasan
ang pusong nabagbag sa pakikibaka sa dagat ng buhay;
ianod ang dusang dulot ng tinamong mga kabiguan.
nang yaring hirap ko’t susun-susong sakit ay gumaan-gaan!
MGA HUDYAT NG BAGONG KABIHASNAN
(Sa Aking Bayan)
ni Simon A. Mercado
Kumislap ang isip ng pantas na malay
At ang sandaigdig ay naliwanagan
Nagsipamuklak ng dunong na yaman
Ang nangagpunyaging paham na isipan;
At tayo’y nagising sa bagong kandungan
Ng pagkakasulong ng sandaigdigan!
Natuklas ng dunog na kahanga-hanga
Ang Atom na siyang panggunaw sa lupa;
Tila nillob ng Poong Bathala
Na tayo’y matapos sa sariling nasa;
Nakapabingit na sa pagkariwara
Ang ating daigdig na lutang sa luha!
Sa bagong liwanag ng pagkakasulong
Ay nangatuklasan ang lihim kahapon;
Ang mundo’y kumitid sa lipad ng dunong,
Nalakbay ang langit ng bakal na ibon,
Nasisid ang mga dagat na maalon
Ng taong palakang nagwagi sa layon!
Sa bilis ng bagong nilikhang panuklas
Narating ang buwan ng bakal na limbas;
Noon naman unang sa buwa’y lumunsad
Ang dalawang bunying astronauts na tanyag;
Subalit hindi pa lubos na matiyak
Kung ang buhay rito doo’y magluluwat.
Sa niyanig – yanig ng mundong mabilog
Kapag may malaking bombang sinusubok,
Ang ehe ng mundo ay baka mahutok
At saka malihis sa kanyang pag-ikot,
Pag ito’y nangyari, mundo’y matatapos
Dahil sa paghinto ng kanyang pag-inog!
Hindi lamang iyan, may panganib pa ring
Ang mundo’y matapos hindi man mithiin,
Sa dalawa kayang malakas ay alin
Ang hindi magnasang ang isa’y linlangin?
Mundo’y matatapos, dapat na tantuin,
Sa Sandaling biglang ang isa’y magtaksil!
May panganib pa rin sa bawat pagsubok
Ng bombang may lasong buga sa fallout;
Ito kung pumuksa sa tao’y kilabot
Higit na mabangis sa alinmang salot ;
Pag ito’y kumalat ay katakut-takot,
Walang mabubuhay sa buong sinukob!
Sa ngayon, ang hanging ating nilalanghap
Ay may kahalo nang maruruming sangkap;
Kapag ito’y hindi nalunasan agad
Ay sa lason tayo mapupuksang lahat;
Kung bakit ang tao’y habang umuunlad
Saka nalalapit na lalo sa wakas!
Nang ang Hiroshima’t Nagasaki’y minsang
Bagsakan ng bombang karaniwan lamang,
Sa dalawang pook na pinaghulugan
Ay napakaaming nakitlan ng buhay;
Kung ang ibabagsak ay bombang panggunaw
Dagat na ang Hapon sa kasalukuyan!
“Pag bombang agawton ang siyang ginamit
Sa Luzon, Bisayas, Mindanaw, karatig,
Dahilan sa lakas na napakalabis
Ang sangkapulua’y lulubog sa tubig;
Huwag nawa sanang loobing ng Langit
Na ang Santinakpa’y maglaho sa titig!
Ang pag-uunahan ng dalawang lakas
Na sa kalawakan ay magharing ganap,
Ay nagbabalang di na magluluwat
At tayo sa digma’y muling magsisiklab;
Maanong loobin ng Nasa Itaas
Na huwag na sanang dumating ang wakas!
Ang Arabya, Jordan, Israel, Ehipto,
Cambodia’t Vietnam, nag-iipu-ipo;
Ang hihip ng hangin kapag di nabago
Sa apoy ng digma’y masusunog tayo;
Lalo pag ang Tsina’y nagtaas ng ulo
At saka ang Rusya’y gumamit ng Maso!
Nais na lagumin ng Maso at Karit
Kung magagawa lang, ang lupa at langit;
Ang Agila naman sa pagpupumilit
Na siyang mauna’y hindi matahimik;
Bakit ba kung sino ang sa yama’y labis
Siyang mapangamkam, siyang mapanlupig?
Wala pang panggol sa kasalukuyan
Sa pambombang higit ang bilis sa ingay,
Kaya kapag tayo’y biglang sinalakay
Di makahahanda nais mang lumaban;
Dahil dito kaya dapat pagsikapan
Na mapagkasundo ang sangkatauhan!
Hindi nga masamang ang tao’y
Lalo kung may mithing dakila at tapat,
Pagkat likas lamang sa taong maghangad
Kung nasa ibaba, na siya’y mataas,
Nguni’t ang masama’y ang magpakapantas
Upang ang mabuting binuo’y iwasak!
Di dapat gumamit ng mga sandatang
Bukod sa pangwakas, may lasong kasama;
Idalangin nating magkaisa sana
Ang sangkatauhan sa mithi at pita;
Pag tayo’y nabubuklod na gintong panata
Ang sandaigdiga’y wala nang balisa!
Kapag nagkaroon ng lason sa tubig
Gayon din ang hangin na dating malinis,
Lahat ng may buhay sa Silong ng langit
Ay matatapos nang parang panaginip;
Saka lamang naman magiging tahimik
Kung dito’y wala nang mga manlulupig
Dahil dito kaya kinakailangang
Iwasan ang imbot at mga hidwaan;
Pagsikapan nating tuparing lubusan
Ang aral na tayo ay mangag-ibigan;
Sapagka’t ang Eden ay naglaho lamang
Nang si Ada’t Eva’y lumabag sa aral!
Agawin sa kamay ng imbot at inggit
Ang kapayapaan nitong sandaigdig;
Sugpuin ang dahas at lakas ng lupit
Sa pamamagitan ng Santong Matuwid;
Ang Diyos ay gising, di ipagkakait
Ang Kanyang saklolo sa api at amis!
Kapag ang Ama nang Makapangyarihan
Ang siyang nagtanggol sa aping kat’wiran,
Hindi maglalao’t ang sangkatauhan
ay makakandong na ng kalwalhatian;
Saka ang ligalig na sandaigdigan
Ay mahihimbing na sa katahimikan.
(Sa Aking Bayan)
ni Simon A. Mercado
Kumislap ang isip ng pantas na malay
At ang sandaigdig ay naliwanagan
Nagsipamuklak ng dunong na yaman
Ang nangagpunyaging paham na isipan;
At tayo’y nagising sa bagong kandungan
Ng pagkakasulong ng sandaigdigan!
Natuklas ng dunog na kahanga-hanga
Ang Atom na siyang panggunaw sa lupa;
Tila nillob ng Poong Bathala
Na tayo’y matapos sa sariling nasa;
Nakapabingit na sa pagkariwara
Ang ating daigdig na lutang sa luha!
Sa bagong liwanag ng pagkakasulong
Ay nangatuklasan ang lihim kahapon;
Ang mundo’y kumitid sa lipad ng dunong,
Nalakbay ang langit ng bakal na ibon,
Nasisid ang mga dagat na maalon
Ng taong palakang nagwagi sa layon!
Sa bilis ng bagong nilikhang panuklas
Narating ang buwan ng bakal na limbas;
Noon naman unang sa buwa’y lumunsad
Ang dalawang bunying astronauts na tanyag;
Subalit hindi pa lubos na matiyak
Kung ang buhay rito doo’y magluluwat.
Sa niyanig – yanig ng mundong mabilog
Kapag may malaking bombang sinusubok,
Ang ehe ng mundo ay baka mahutok
At saka malihis sa kanyang pag-ikot,
Pag ito’y nangyari, mundo’y matatapos
Dahil sa paghinto ng kanyang pag-inog!
Hindi lamang iyan, may panganib pa ring
Ang mundo’y matapos hindi man mithiin,
Sa dalawa kayang malakas ay alin
Ang hindi magnasang ang isa’y linlangin?
Mundo’y matatapos, dapat na tantuin,
Sa Sandaling biglang ang isa’y magtaksil!
May panganib pa rin sa bawat pagsubok
Ng bombang may lasong buga sa fallout;
Ito kung pumuksa sa tao’y kilabot
Higit na mabangis sa alinmang salot ;
Pag ito’y kumalat ay katakut-takot,
Walang mabubuhay sa buong sinukob!
Sa ngayon, ang hanging ating nilalanghap
Ay may kahalo nang maruruming sangkap;
Kapag ito’y hindi nalunasan agad
Ay sa lason tayo mapupuksang lahat;
Kung bakit ang tao’y habang umuunlad
Saka nalalapit na lalo sa wakas!
Nang ang Hiroshima’t Nagasaki’y minsang
Bagsakan ng bombang karaniwan lamang,
Sa dalawang pook na pinaghulugan
Ay napakaaming nakitlan ng buhay;
Kung ang ibabagsak ay bombang panggunaw
Dagat na ang Hapon sa kasalukuyan!
“Pag bombang agawton ang siyang ginamit
Sa Luzon, Bisayas, Mindanaw, karatig,
Dahilan sa lakas na napakalabis
Ang sangkapulua’y lulubog sa tubig;
Huwag nawa sanang loobing ng Langit
Na ang Santinakpa’y maglaho sa titig!
Ang pag-uunahan ng dalawang lakas
Na sa kalawakan ay magharing ganap,
Ay nagbabalang di na magluluwat
At tayo sa digma’y muling magsisiklab;
Maanong loobin ng Nasa Itaas
Na huwag na sanang dumating ang wakas!
Ang Arabya, Jordan, Israel, Ehipto,
Cambodia’t Vietnam, nag-iipu-ipo;
Ang hihip ng hangin kapag di nabago
Sa apoy ng digma’y masusunog tayo;
Lalo pag ang Tsina’y nagtaas ng ulo
At saka ang Rusya’y gumamit ng Maso!
Nais na lagumin ng Maso at Karit
Kung magagawa lang, ang lupa at langit;
Ang Agila naman sa pagpupumilit
Na siyang mauna’y hindi matahimik;
Bakit ba kung sino ang sa yama’y labis
Siyang mapangamkam, siyang mapanlupig?
Wala pang panggol sa kasalukuyan
Sa pambombang higit ang bilis sa ingay,
Kaya kapag tayo’y biglang sinalakay
Di makahahanda nais mang lumaban;
Dahil dito kaya dapat pagsikapan
Na mapagkasundo ang sangkatauhan!
Hindi nga masamang ang tao’y
Lalo kung may mithing dakila at tapat,
Pagkat likas lamang sa taong maghangad
Kung nasa ibaba, na siya’y mataas,
Nguni’t ang masama’y ang magpakapantas
Upang ang mabuting binuo’y iwasak!
Di dapat gumamit ng mga sandatang
Bukod sa pangwakas, may lasong kasama;
Idalangin nating magkaisa sana
Ang sangkatauhan sa mithi at pita;
Pag tayo’y nabubuklod na gintong panata
Ang sandaigdiga’y wala nang balisa!
Kapag nagkaroon ng lason sa tubig
Gayon din ang hangin na dating malinis,
Lahat ng may buhay sa Silong ng langit
Ay matatapos nang parang panaginip;
Saka lamang naman magiging tahimik
Kung dito’y wala nang mga manlulupig
Dahil dito kaya kinakailangang
Iwasan ang imbot at mga hidwaan;
Pagsikapan nating tuparing lubusan
Ang aral na tayo ay mangag-ibigan;
Sapagka’t ang Eden ay naglaho lamang
Nang si Ada’t Eva’y lumabag sa aral!
Agawin sa kamay ng imbot at inggit
Ang kapayapaan nitong sandaigdig;
Sugpuin ang dahas at lakas ng lupit
Sa pamamagitan ng Santong Matuwid;
Ang Diyos ay gising, di ipagkakait
Ang Kanyang saklolo sa api at amis!
Kapag ang Ama nang Makapangyarihan
Ang siyang nagtanggol sa aping kat’wiran,
Hindi maglalao’t ang sangkatauhan
ay makakandong na ng kalwalhatian;
Saka ang ligalig na sandaigdigan
Ay mahihimbing na sa katahimikan.