Humanismo - pagsusuri ng akda batay sa damdaming namayani sa tauhan,nagpapakilala ng mga kaisipan at mga paniniwala.Naglalahad din ito ng kagalingan ng tauhan.
Pormalismo- pagsusuri batay sa elemento,istruktura at pagkakabuo nito maging ang pagkakugnay ng mga elemento ng akda at ang kabisaan nito.
Eksistensyalismo - tumutukoy sa pagsusuri ng akda sa mga tauhan batay sa kanyang kilos,paniniwala,gawi at paninindigan at maayang kaisipan.
Naturalismo - tinutukoy ang epekto ng kapaligirang marumi,masukal at kasuklam-suklam sa kasiningan ng akda.Iniisa-isa rin sa mga bahagi ng akda ang nagpapakita ng pagiging emosyonal ng tauhan at pakikipagsapalaran nito.
Dekonstruksyon - sinusuri sa isang akda ang kamalayan ng manunulat at ng mambabasa bilang mga produkto ng pagtakalay na panlipunan.Ito'y naaangkop sa panitikang nakasulat na produkto ng isang tiyak na may-akdang tagapagdala o tagapag-ingat ng isang tradisyon pang-intelektuwal o pampanitikan.