ANG KALUPI
ni Benjamin P. Pascual
(May mabigat na pagkakasala sa batas si Aling Marta dahil sa mali niyang paghatol sa katauhan ng bata.
Madalas mangyari na dahil sa ayos ng isang tao ay dagli siyang napagbibintangan ng di mabuti. May
karanasan ka ba na nakapagbintang o dili kaya’y napagbintangan ng di mabuti? Basahin ang kuwento at ikaw
na ang humatol sa mga tauhan nito.)
Mataas na ang araw nang lumabas si Aling Marta sa bakuran ng kanilang maliit na barungbarong. Aliwalas ang kanyang mukha: sa kanyang lubog na mga mata na bahagyang pinapagdilim ng kanyang malalagong kilay ay nakikintal ang kagandahan ng kaaya-ayang umaga. At sa kanyang manipis at maputlang labi, bahagyang pasok sa pagkakalat, ay naglalaro ang isang ngiti ng kasiyahan. Araw ng pagtatapos ng kanyang anak na dalaga; sa gabing iyon ay tatanggapin nito ang diploma bilang katunayang natapos niya ang apat na taong inilagi sa mataas na paaralan. Ang sandaling pinakahihintay niya sa mahaba-haba rin namang panahon ng pagpapaaral ay dumating na. Ang pagkakaroon ng isang anak na nagtapos ng high school ay hindi na isang maliit na bagay sa isang mahirap na gaya niya, naiisip niya. Sa mapangarapin niyang diwa ay para niyang nakikita ang kanyang anak na dalaga sa isang kasuotang putting-puti , kipkip ang ilang libro at nakangiti, patungo sa lalo pang mataas na hangarin sa buhay, ang makatapos sa kolehiyo, magpaunlad ang kabuhayan at sumagana. Maaaring balang araw ay magkaroon din siya ng
mamanuganging may sinabi rin naman. Nasa daan na siya ay para pa niyang naririnig ang matinis na halakhak ng kanyang anak na dalaga habang paikut-ikot nitong isinusukat sa harap ng salamin ang nagbuburdahang puting damit na isusuot sa kinagabihan. Napangiti siyang muli.
Mamimili si Aling Marta. Bitbit ng isang kamay ng isang pangnang sisidlan ng kanyang pamimilhing uulamin. Habang daan, samantalang patungo sa pamilihang bayan sa Tundo, ay mataman niyang iniisip ang mga bagay na kanyang pamimilhin. Hindi pangkaraniwang araw ito at kailangang magkaroon silang mag-anak ng hindi pangkaraniwang pananghalian. Bibili siyang ng isang matabang manok, isang kilong baboy, gulay na panahog at dalawang piling na saging. Bibili rin siya ng grabansos. Gusto-gusto ng kanyang magtatapos na anak ang minatamis na grabansos.
Mag-iikasiyam na nang dumating siya sa pamilihan. Sa labas pa lamang ay naririnig na niya ang di magkamayaw na ingay na nagbubuhat sa loob, ang ingay ng mga magbabangos na pagkanta pang isinisigaw ang halaga ng kanilang paninda, ang salit-salitang tawaran ng mga mamimili
Linggo ng umaga at ang palengke ay siksikan. Sa harapan niya painiling magdaan. Ang lugar ng magmamanok ay nasa dulo ng
pamilihan at sa panggitnang lagusan siya daraan upang magdaan tuloy sa tindahan tuloy sa tindahan ng mga tuyong paninda at bumili ng mantika. Nang dumating siya sa gitnang pasilyo at umakmang hahakbang na papasok, ay siyang paglabas na humahangos ng isang batang lalaki, at ang kanilang pagbabangga ay muntik na niyang ikabuwal. Ang siko ng bata ay tumama sa kanyang dibdib. “Ano ka ba?” angbulyaw ni Aling Marta. “Kaysikip na ng daraanan ay patakbo ka pa kung lumabas!”
Ang bata ay nakapantalon ng maruming maong na sa kahabaan ay pinag-ilang lilies ang laylayan. Nakasuot ito ng libaging kamiseta, punitmula sa balikat hanggang pusod, na ikinalitaw ng kanyang butuhan at maruming dibdib. Natiyak ni Aling Marta na ang bata ay anak-mahirap. “Pasensiya na kayo, Ale’ ang sabi ng bata. Hawak nito ang isang maliit na bangos. Tigbebente, sa loob-loob ni Aling Marta. Ang bata ay takot na nakatingin sa kanya.“Hindi ko ho kayo sinasadya. Nagmamadali ho ako, e.”
“Pasensiya!” – sabi ni Aling Marta. “Kung lahat ng kawalang –ingat mo’y pagpapasensiyahan nang pagpapasensiyahan ay makakapatay ka ng tao.”
Agad siyang tumalikod at tuloy-tuloy na pumasok. Paano’t pano man, naisip niya, ay ako ang huling nakapangusap. Higit kong
daramdamin kung ako na itong nagawan ng di mabuti ay sa kanyang pa manggagaling ang huling salita. Mataman niyang inisip kung may iba pang nakakita sa nangyari. Marahas ang kanyang pagkakapagsalita sa bata at maaaring may kakilala siyang nagdaraan na nakarinig ng kanyang mga sinabi. Dumating siya sa tindahan ng mga tuyong paninda at bumili ng ilang kartong
mantika.“Tumaba yata kayo, Aling Gondang, “ ang bati niya sa may kagulangan nang tindera na siya niyang nakaugaliang bilhan. Nakangiti siya at ang babae ay ngumiti rin. “Tila nga ho, “ ani Aling Gondang. “Tila ho nahihiyang ako sa pagtitinda.” Natawa si Aling Marta at pagkaraan ay dumukot sa bulsa ng kanyang bestido upang magbayad. Saglit na nangulimlim ang kanyang mukha at ang ngiti sa maninipis niayng niyang labi ay nawala. Wala ang kanyang kalupi! Napansin ng kaharap ng kanyang anyo.
“Bakit ho? anito. “E . . . e, nawawala ho ang aking pitaka, “ wala sa loob na sagot ni Aling Marta. "Ku, e magkaano ho naman ang
laman?” ang tanong ng babae.Ang tanda niyang laman ng kanyang kalupi ay pitumpong piso na siyang bigay na sahod ng kanyang asawa nang sinundang gabi. Sabado. Ngunit aywan ba niya kung bakit ang di pa ma’y nakikiramay ang tonong
nagtatanong ay nakapagpalaki ng kanyang loob upang sabihing, “E,sandaan at sampung piso ho.”
Nanatili siya sa pagkakatayo nang ilang saglit, wari’y tinakasan ng lakas, nag-iisip ng mga nakaraang pangyayari. Mayamaya ay parang kidlat na gumuhit sa kanyang alaala ang gusgusing batang kanyang nakabangga. Tumama ang siko nito sa kanyang dibdib, sa kanyang katawan! Dali-dali siyang tumalikod at patakbong lumabas. Hindi pa marahil iyon nakalalayo; may ilang
sandali pa lamang ang nakaraan, ang tabas ng mukha, ang mukha, ang gupit, ang tindig. Sa labas, sa harap ng palengke
na kinaroroonan ng ilang tindahang malilliit at ng mangilan-ngilang namimili at ang batang panakaw na nagtitinda ng gulay, ay nagpalingan-linga siya. Patakbo uli siyang lumakad, sa harap ng mga bilao ng gulay na halos mayapakan na niya s pagmamadali, at sa gawing ulo ng pusisyon na di kalayuan sa natatanaw niyang karatig na outpost ng mga pulis, ay nakita niya ang kanyang hinahanap. Nakatayo ito sa harap ng isang bilao ng kangkong at sa malas niya ay tumatawad. Hindi siya maaring magkamali:
ang wakwak na kamiseta nito at ang mahabang panahon na ari’y salawal ding ginagamit ng kanyang ama, ay sapat nang
palatandaan upang ito ay madaling makilala. At ang hawak nitong bangos na tigbebente. Maliksi siyang lumapit at
binatak ang bata sa liig. “Nakita rin kita!” ang sbi niyang humihingal. “Ikaw ang dumukot sa pitaka ko, ano? Huwag kang magkakaila!” Tiyakan ang kanyang pagkakasalita; ibig niyang sa pagkalito ng bata sa pag-aapuhap ng isasagot ay masukol niyang buong-buo. Ngunit ang bata ay mahinahong sumagot: “Ano hong pitaka? “ ang sabi. Wala ho akong kinukuha sa inyong
pitaka.“ “Ano wala!” pasinghal na sabi ni Aling Marta. “Ikaw nga ang dumudukot ng pitaka ko at wala ng iba.
Kunwa pa’y binangga mo ‘ko, ano ha ? Magaling, magaling ang sistema ninyong iyan. Kikita nga kayo rito sa palengke!”
Marami nang nakapaligid sa kanila, mga batang nagtitinda, lalaki at babaeng namimili. Hinigpitan ni Aling Marta ang pagkakahawak sa liigng bata at ito’y pilit na iniharap sa karamihan. “Aba, kangina ba namang pumasok ako sa palengke e banggain ako,“ang sabi niya. “Nang magbabayad ako ng pinamili ko’t kapain ko ang bulsa ko e wala nang laman!”
“Ang mabuti ho’y ipapulis ninyo, “sabing nakalabi ng isang babaing nakikinig. “Talagang dito ho sa palengke’y maraming naglilipanang batang gaya niyan.”
“Tena, “ang sabi ni Aling Marta sa bata. “Sumama ka sa akin.” "Bakit ho, saan ninyo ako dadalhin?”
“Saan sa akala mo?” sabi ni Aling Marta at pinisil ang liig ng bata. “Ibibigay kita sa pulis. Ipabibilanggo kita kapag di mo inilabas ang dinukot mo sa akin."Pilit na nagwawala ang bata; ipinamulsa niya ang hawak na bangos upang dalawahing –kamay ang pag-alis ng mabutong daliri ni Aling Marta na tila kawad sa pakakasakal sa kanyang liig. May luha nang nakapamintana sa kanyang mga mata at ang uhog at laway ay sabay na umaagos sa kanyang liig. Buhat sa likuran ng mga manonood ay lumapit ang isang
pulis na tanod sa mga pagkakataong tulad niyon, at nang ito ay malapit na ay sinimulan ni Aling Marta ang pagsusumbong. “Nasiguro ko hong siya dahil sa nang ako’y kanyang banggain, e, naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking bulsa,“patapos niyang pagsusumbong. “Hindi ko lang ho naino kaagad pagkat ako’y nagmamadali.” Tiningnang matagal ng pulis ang bata, ang maruming saplot nito at ang nagmamapa-sa duming katawan, pagkatapos ay patiyad na naupo sa harap nito at sinimulang mangapkap. Sa bulsa ng bata, na sa pagdating ng pulis ay tuluyan nang umiyak, ay lumabas ang isang maruming panyolito, basa ng uhog at tadtad ng sulsi, diyes sentimos na papel at ang tigbebenteng bangus.
“Natitiyak ho ba ninyong siya ang dumukot ng inyong pitaka? “ang tanong ng pulis kay Aling Marta.Siya ho at wala ng iba,” ang
sagot ni Aling Marta. “Saan mo dinala ang dinukot mo sa aleng ito?” mabalasikna tanong ng pulis sa bata. “Magsabi ka ng totoo, kung di ay dadalhin kita.” “Wala ho akong dinukot na maski ano sa kanya, “sisiguk-sigok na sagot ng bata. “Maski kapkapan
ninyo ‘ko nang kapkapan e wala kayong makukuha sa akin. Hindi ho ako mandurukot. “Maski kapkapan!” sabad ni Aling Marta. “Ano pa ang kakapkapin naming sa iyo kung ang pitaka ko e naipasa mo na sa kapuwa mo mandurukot! O, ano, hindi ba ganon kayong mga tekas kung lumakad …. dala-dalawa, tatlu-tatlo! Ku, ang mabuti ho yata, mamang pulis, e ituloy na natin iyan sa kuwartel. Baka roon matulong matakot iyan at magsabi ng totoo.”
Tumindig ang pulis,” Hindi ho natin karaka-rakang madadala ito ng walang evidencia. Kinakailangang kahit paano’y magkaroon tayo ng maihaharap na katibayang siya nga ang dumukot ng inyong kuwarta. Papaano ho kung hindi siya?”
“E, ano pang evidencia ang hinahanap mo? ang sabi ni Aling Marta na nakalimutan ang pamumupo. “Sinabi nang binangga akong sadya, at naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking bulsa. Ano pa? Sa bata nakatingin ang pulis na wari’y nag-iisip ng dpat niyang gawain, maya’y maling naupo at dumukot ng isang lapis at isang mallit na kuwaderno sa kanyang bulsa.
“Ano ang pangalan mo? ang tanong niya sa bata. “Andrs Reyes po.""Saan ka nakatira? ang muling tanong ng pulis. Lumingon ang bata sa kanyang paligid, inisa– isa ang mga mukhang nakatunghaysa kanya. “Wala ho kaming bahay, “ang sagot. ” Ang tatay ko ho e may sakit at kami ho, kung minsan, ay sa bahay ng Tiyang Ines ko nakatira, sa Blumentritt, kung minsan naman ho e sa mga ko sa Kiyapo at kung minsan e sa bahay ng kapatid ng nanay ko rito sa Tundo. Inutusan nga lang ho niya ‘kong bumili ng
ulam para mamayang tanghali."Samakatuwid ay dito kayong mag-ama nakatira ngayon sa Tundo?” ang tanong ng pulis.
“Oho,“ang sagot ng bata, “pero hindi ko nga lang ho alam ang kalye at numero ng bahay dahil sa noong makalawa lang kami lumipat at saka hindi ho ako marunong bumasa e.” Angwalang kawawaang tanong at sagot na naririnig ni Aling Marta ay makabagot sa kanyang pandinig; sa palagay ba niya ay para silang walang mararating; sa palagay ba niya ay para silang walang mararating. Lumalaon ay dumarami ang tao sa kanilang paligid at ang pulis na umiusig ay tila siyang siya sa kanyang pagtatanong at pagsusulat sa kuwaderno. Nakaramdam siya ng pagkainis. “Ang mabuti ho yata e dalhin na natin iyan kung dadalhin, “ ang sabi niya.”Pinagkakaguluhan lamang tayo ng mga tao rito ay wala namang nangyayari. Kung hindi naman ninyo kaya ay sabihin ninyo at tatawag ako ng ibang pulis.’
“Hirap sa inyo ay sabad kayo ng sabad , e”sabi ng pulis. “Buweno , kung gusto n’yong dalhin ngayon din ang batang ito, pati kayo ay sumama sa akin sa kuwartel . Doon sabihin ang gusto ninyong sabihin at doon n’yo gawain ang gusto nyong gawain.”
Inakbayan niya ang bata at inilakad na patungo sa outpost, kasunod ang hindi umiiyak na si Aling Marta at ang isang hugos na tao na ang ilan ay pangiti-ngiti habang silang tatlo ay minamasdan. Sa harap ng outpost ay huminto ang pulis.
“Maghintay kayo rito sandali at tatawag ako sa kuwartel para pahalili, “ ang sabi sa kanya at pumasok . Naiwan siya sa harap ng bata, at ngayon ay tila maamong kordero sa pagkakatungo, sisiguk-sigok, nilalaro ng payat na mga daliri ang ulo ng tangang bangos. Luminga-linga siya. Tanghali na; ilan-ilan na lamang ang nakikita niyang pumasok sa palengke. Iniisip niya kung ilang oras pa ang kinakailangan niyang ipaghintay bago siya makauwi; dalawa, tatlo o maaaring sa hapon na. Naalala niya
ang kanyang anak sa dalagang magtatapos, ang kanyang asawa na kaipala ay naiinip na sa paghihintay; at para niyang narinig ang sasabihin nito kung siya’y darating na walang dala ano man, walang dala at walang pera. Nagsiklab ang poot sa kanya sa kangina pa nagpupuyos sa kanyang dibdib; may kung anong sumalak sa kanyang ulo; mandi’y gagahanip ang tingin niya sa batang kaharap. Hinawakan niya ito sa isang bisig, at sa pagdidilim ng kanyang paningin ay pabalinghat niyang pinilit sa likod nito.
“Tinamaan ka ng lintek na bata ka! Ang sabi niyang pinanginginigan ng laman. “Kung walang binabaing pulis na makapagpapaamin sa iyo, ako ang gagawa ng ikaaamin mo! Saan mo dinala ang dinukot mo sa ‘kin? Saan/ Saan?
Napahiyaw ang bata sa sakit; ang biig nito ay halos napaabot ni Aling Marta sa kanyang balikat sa likod. Ang
mga nanonood ay parang nangangapatdan ng dila upan makapagsalita ng pagtutol. Ang kaliwang kamay ni Aling Marta ay
pakabig na nakapaikot sa baba ng bata; sinapo ito ng bata ng kanyang kamay at nang mailapit sa kanyang bibig ay buong pangigil na kinagat. Hindi niya gustong tumakbo;halos mabali ang kanyang siko at ang nais lamang niya ay makaalpas sa matitisgas na bisig ni Aling Marta; ngunit ngayon, ng siya ay bitiwan ng nasaktang si Aling Marta at makalayong papaurong, ay naalaala niya ang kalayaan, kay Aling Marta at sa dumaakip na pulis, at siya ay humahanap ng malulusutan at nang makakita ay walang lingun-lingon na tumakbo, patungo sa ibayo nang maluwag na daan. Bahagya na niyang narinig ang mahahayap na salitang nagbubuhat sa humahabol na si Aling Marta, at ang sigaw ng pulis at ang sumunod na tilian ng mga babae; bahagya ng umabot sa kanyang pandinig ang malakas na busina ng ilanghumahagibis na sasakyan. Sa isang sandali ay nagdilim sa kanya ang buong paligid at sa pagmumulat na muli ng kanyang paningin, sa pagbabalik ng kanyang ulirat, ay wala siyang nakita kundi ang madaliin ang anino ng kanyang mukhang nakatunghay sa kanyang lupaypay at duguang katawan.
Hindi umimik si Aling Marta habang minamasdan ang bata Maputla ang kulay ng kanyang mukha at aywan ba niya at pati siya ay tila pinanawan ng lakas. Malanig na pawis ang gumigiti sa kanyang noo at ang tuhod niya ay parang nangangalog. Hindi siya makapag-angat ng paningin; sa palagay ba niya ay sa kanya nakatuon ang paningin ng lahat at siyang binubutan ng sisi. Bakit ba ako nanganganino sa kanila? Pinipilit niyang usalin sa sarili. Ginawa ko lamang ang dapat gawin nino man at nalalaman ng
lahat na ang nangyayaring ito’y pagbabayad lamang ng bata Sa kanyang nagawang kasalanan.
Ang pulis ay nakabalik na sa outpost at sa isang ospital na tumatawag. Ang bata ay napagtulungan ng ilan na buhatin sa bangkta upang doon pagyamanin at ipaghintay ng ambulansiya kung aabot pa. Ang kalahati ng kanyang katawan, ang dakong ibaba, ay natatakpan ng diyaryo at ang gulanin niyang kasuotan ay tuluyan nang nawalat sa kanyang katawan. Makailang sandali pa, pagdating ng pulis ay pamuling nagmulat ito ng paningin at ang mga mata ay ipinako sa maputlang mukha ni Aling Marta.
“Maski kapkapan ninyo ako, e, wala kayong makukuha sa akin,” ang sabing paputul-putol na nilalabasan ng dugo sa ilong.“Hindi ko kinuha ang inyong pitaka.” May kung anong malamig ang naramdaman ni Aling Marta na gumapang sa kanyang katawan; ang bata ay pilit na nagsasabi ng kanyang pahimakas. Ilang sandali pa ay lumulungayngay ang ulo nito at nang pulsuhan ng isang naroroon ay marahan itong napailing. Patay na,naisaloob ni aling Marta sa kanyang sarili.
“Patay na ang dumukot ng kuwarta ninyo,” matabang na sabi ng pulis sa kanya. Nakatayo ito sa kanyang tabi at hawak naman ang kuwaderno at lapis. “Siguro’y Matutuwa na kayo niyan.”“Sa palagay kaya ninyo e may sasagutin ako sa nangyari?” ang tanong ni Aling Marta.“Wala naman, sa palagay ko,” Ang sagot ng pulis. “ Kung may mananagotniyan ay walang iba kundi ang pobreng tsuper. Wala rin kayong sasagutin sa pagpapalibing. Tsuper na rin ang mananagot niyan , “ may himi pangungutya ang
tinig ng pulis.“Makaaalis na po kayo?” tanong ni Aling Marta.“Maaari na”, sabi ng pulis. “Lamang ay kinakailanang iwan ninyo sa akin ang inyong pangalan at direksiyon ng inyong bahay upang kung mangangailangan ng kauting pag-aayos ay mahingan
naming kayo ng ulat.”Ibinigay ni Aling Marta ang tinitirhan at pagkatapos ay tuwid ang tinging lumalayo sa karamihan . Para pa
siyang naghihina at magulong-magulo ang kanyang isip; Sali-salimuot na alalahanin ang nagsasalimbayan sa kanyang diwa. Lumakad siya ngagon na walang tiyak na patutunguhan. Naalala niya ang kanyang anak na ga-graduate, ang ulam
na dapat niyang iuuwi na, at ang nananalim, nangungutyang mga mata ng kanyang asawa sa sandaking malaman nito ang pagkawala ng pera. Magtatanong iyon, magagalit, hanggang sa siya ay mapilitang sumagot. Magpapalitan sila ng mahahayap na pangungusap, sisihan, tungayawan, at ang mga anak niyang ga-graduate ay magpapalahaw ng panangis hanggang sila ay puntahan at payapain ng mga kapitbahay. Katakut-takot na gulo at kahihiyan,sa loob-loob ni Aling Marta, at hindi sinasadya ay muling nadako ang pinag-uugatang diwa sa bangkay ng bata na natatakpan ng diyaryo, na siyang pinagmulan ng lahat.
Kung hindi sa tinamaan ng lintik na iyon ay hindi ako masusuot sa suliraning ito, usal niya sa sarili. Kasi imbi,
walang pinag-aralan, maruming palaboy ng kapalarang umaasa sa taba ng iba.Mabuti nga sa kanya!
Kinakailangan niyang kumilos, umisip ng paraan. Kinakailangang kahit papaano’y makapag-uwi siya ng ulam
sa pananghalian. Pagkakain ng kanyang asawa ay malamig na ang kakote nito at saka niya sasabihin ang pagkawala ng pera. Maaaring magalit ito at ipamukha sa kanya, tulad ng madalas na sabihin nito, na ang lahat ay dahil sa malabis niyang paghahangad na makapagdala ng labis na salaping ipamimili, upang makapamburot at maipamata sa kapwa na
hindi sila naghihirap. Ngunit ang lahat ay titiisin niya, hindi siya kikibo. Ililihim din niya ang nangyaring sakuna sa bata; ayaw ng kanyang asawa ng iskandalo; at kung sakali’t darating ang pulis na kukuha ng ulat ay lilihimin niya ito. At tungkol sa ulam
mangungutang siya ng pera sa tindahan ni Aling Gondang at iyon ang kanyang ipamimili – nasabi niya rito na ang nawala niyang pera ay isang daan at sampung piso at halagang iyon ay napakalaki na upang ang lima o sampung ay ipagkait nito sa kanya bilang panakip. Hindi iyon makapahihindi. May ngiti ng kasiyahang naglalaro sa manipis na labi ni aling Marta nang ipihit niya
ang kanyang mga paa patungong pamilihan.
Tanghali na nang siya ay umuwi. Sa daan pa lamang bao siya pumasok sa tarangkahan, ay natanaw na niya ang
kanyang anak na dalaga na nakapamintana sa kanilang barung-barong. Nakangiti ito at siya ay minamasdan, ngunit nang
malapit na siya at nakita ang dala ay napangunot-noo, lumingon sa loob ng kabahayan at may tinawag. Sumungaw ang payat na mukha ng kanyang asawa. “Saan ka kumuhang ipinamili mo niyan, Nanay?” ang sabi ng kanyang anak na ga-graduate.
“E…e,” hindi magkandatutong sagot ni Aling Marta. “Saan pa kundi sa aking pitaka.”Nagkatinginan ang mag-ama.
“Ngunit, Marta,” ng sabi ng kanyang asawa , “Ang pitaka mo e naian mo! Kanginang bago ka umalis ay kinuha ko
iyon sa bulsa ng iyong bestidong nakasabit at kumuha ako ng pambili ng tabako, pero nakalimutan kong isauli. Saan ka ba kumuha ng ipinamili mo niyan ?” Biglang–bigla, anaki’y kidlat na gumuhit sa karimlan, nagbalik sa gunita ni Aling Marta ang larawan ng isang batang payat, duguan ang katawan at natatakpan ng diyaryo, at para niyang narinig ang mahina at gumagaralgal na tinig nito; Maski kapkapan ninyo ako, e wala kayong makukuha sa ‘kin. Saglit siyang natigilan
sa pagpanhik sa hagdanan; para siyang pinangangapusan ng hininga at sa palagay ba niya ay umiikot ang buong paligid; at bago siya tuluyang mawalan ng ulirat ay wala siyang narinig kundi ang papanaog na yabag ng kanyang asawa’t anak, at ang
papaliit at lumalabong salitang: Bakit kaya? Bakit kaya?
ANG KAMATAYAN NI TIYO SAMUEL
(Ni Efren R. Abueg)
Ang mga pangyayari sa akdang ito’y naganap sa panahon ng mga demonstrasyon ng mga kabataang
namulat sa katotohan ng kanilang abang kalagayan na binusog sa “kaunlarang” hated ng isang bansang paniniil.
SA KANYANG balisang magdamag ay isa-isang sumulpot sa silid na iyon ang daan-daang lalaki at babae, mga kabataang may hawak na kartelon at mga aklat at may mumuting bag na nakasakbat sa balikat sa paglakad at nagsisiawit ng kantahing pambayan, nakatigil ang trapiko, ang ulo ng tsuper ay nangagusli sa mga durungawan, nakanganga o nakangisi o nakaismid, ngunit hindi sila nababalino, patuloy sila sa pagmamartsa, patungo sa gusaling iyon sa pagitan ng malalaking puno akasya.
Duyan ka ng magiting
Sa manlulupig
Di ka pasisiil
Mataas ang tuno ng kanilang awit, walang pagpipiigil sa pagbubuhos ng kanilang damdamin, binibigyang-diin ang kanilang layon at habang nalalapit sa gusaling iyon, nagmamadali ang kanilang hakbang, waring minamadali ang pagkuha sa isang bagay na kanilang kailangan.
…Aming ligaya na pag may mang-aapi
Ang mamatay nang dahil sa yo …
Pilit siyang dumilat, nguit parang bakal ang bigat ng talukap ng kanyang mga mata at ang kapaligiran ay hindi nagbago sa kanyang isip. Nagmamartsa pa rin ang mga kabataang lalalki at babae, nagniningas ang mga sulong hawak ng nagunguna at nangahuhuli at patuloy ang pag-awit, paulit-ulit, hanggang sa makubkob ang binalantok na harapan ng gusali at sa isang sigaw ng lider ay tumahimik ang lahat.Bigla, ang mga ningas ng sulo ay hinipan sa harapan ng gusali, ang naningkad ay ang maputing liwanag.
...
Mga kapatid, bakit kayo naririto? Bakit tayo umaawit? Bakit hawak natin ang mga
kartelon?
Parang isang dambuhalang bibig ang sagot. Umuugong.
Parang isang dalampasigang binabayo ng nagdurumambang mga alon.
Ibagsak ang imperyalismo! Wasa akin ang kanilang mga interes!
Mula sa malayo, unti-unting narinig ang matamis na ugong ng mga sirena. Gumuguhit, nag-aapura. Sa binalantok na harapan ng gusali, ang mga kabataang lalaki at babae ay nangapatigil sa pagsigaw, at nakiramdam at sa
ilang sandali, parang tubig na umasanib sa kanila ang lalaking, nakauniporme, may taklob ang mga ulo, may hawak na mahahabang batuta ay may mga mukhang kinasinagan ng pagbabanta.
Muli, pinilit niyang dumilat. Parang may naamoy siyang kung ano. Malansa. Sa karimlan ng kanyang isip, kumapa siya
- kailangang kumapit siya sa isang bagay, kailangang makabangon siya, mapuntahan ang mga batang lalaki at babaing nasa harap ng gusaling iyon at bigyan ng babala: May panganib! May panganib! Ngunit wari’y kalawakang walang hanggan ang lahat, pawang hangin, pawang mga bagay na hindi mahipo ngunit nadarama at pati siya’y nakalutang, nakalutang at hindi niya mapigil ang kanyang pagkatangay. Sa pagkaunawa ng panganib sa ssa
pagkatangay, napasigaw na lamang siya: Huwag! Huwag! subalit waring yaon ay huli na sapagkat hindi pa napipinid ang kanyang bibig ay sumambulat sa kanyang pandinig ang isang umuugong na daluyong, tulad ng pagbayo ng mga marahas na alon sa isang lugaming dalampasigan. Umikot siya, umikot ng umikot, habang ang kanyang dalawang bisig nanghahalihaw, humahanap ng isang bagay na mahahawakan. Hanggang sa ang kanyang balintataw ay sumilay ang liwanag. Itinaas niya ang kanyang mga kamay, pantay sa kanyang dilat na dilat na mga mata sa
buong pagkagimbal niya, nakita niyang may dugo sa kanyang mga daliri, malapotna dugo, kulay-granateng dugo! Nangatal siya. Bakit may dugo ang aking mga kamay? Bakit? Muli pumikit siya. Sinikap niyang makabalik sa pook ng mga kabataang lalaki at babae sa binalantok na harapan ng gusali at hanapin ang kanyang anyo at tingnan kung ano ang nangyari at mmabatid kung bakit may dugo ang kanyang mga kamay. Subalit payapa na ang binalantok na harapan ng gusali at ang naroon ay ilang laglag na dahong niyapakan ng mga lalaking mapuputi ang balat at gintoo ang mga
balahibo’t buhok.
Hindi lamang balisa siya sa kanyang magdamag. Ngayon, gimbal na siya sa kanyang karimlan. Humahagok siya sa pagkakapikit at aywan kung bakit sa tuwing hahagok siya nakararamdam siya ng gaan sa talukap ng kanyang mata. Parang nalulusaw ang pagkabakal niyon, parang nagiging papel, manipis na papel . Natuwa siya. Mababatid niya ang lahat-lahat. Malalaman niya kung panaginip lamang ang lahat ng iyon.
Dumilat siya. Sumambulat sa kanyang mukha ang liwanag ng silid. Nakatayo siya sa gitnang-gitna, nangatal ang mga kamay at sa kanyang paanan, may isang katawang nakatagilid sa pagkakatimbuwang at ang mga ulo’y
nakakiling at ang isang bahagyang nakadilat na mata ay nakasulyap sa kanya.
Sino ito? Sino?
Dahan-dahan, tumiklop ang isang paa niya, ang kanan at pumantay ang kanyang tuhod sa handusay na katawan at sa lumilinaw nang paningin ay binulaga siya ng mukhang iyong kilang-kila niya, mula sa pagkabata, mula pa sa pagkakaisip, ang mukhang iyong hindi niya malilimot, a, ang mukhang iyon ng kanyang Tiyo Samuel
Bakit patay ang kanyang Tiyo Samuel? Bakit may dugo ang kanyang mga kamay? Ano ang nangyari?
Bakit may dugo ang kanyang mga kamay? Ano ang nangyari?
Tumindig siya, umurong at sa kanyang bibig ay ibig
tumalilis ang sigaw ng paghihilakbot. Bakit may dugo ang kanyang mga kamay? Siya ba ang pumatay sa kanyang Tiyo Samuel? Umurong siya ng umurong, papatakas, papalayo, ngunit sa pagkakatitig sa duguang mga kamay, sa mga daliring nangangatal ay nasalabid sa kung saan ang kanyang mga paa at siya’y nabuwal at binawi man niya ang katawan
ay kumalabog din siya sa lapag at pumalo ang kanyang ulo sa isang matigas na bagay at muli, kinandong siya ng dilim.
Naroon naman ang maraming kabataang lalaki at babae. Nagsisigawan. Sa di kalayuan sa binalantok na harapan ng gusali ay umaatungal ang mga sirena at sa may hagdanan ng gusali ay may mga puting lalaking sumisigaw, nakasuntok ang mga kamay at nagmumura, samantala, ang sumasanib na malaki’t matitipunong lalaking nakauniporme, may taklob ang mga ulo at may hawak na mahahabang batuta, ay nakahawak sa puluhan ng mga kartelon at ang mga mata’y tinatalsikan ng matinding poot. At sa isang iglap na pangitaing iyoon ay nahagip niya ang kanyang anyo, ipinagtutulakan ng dalawang lalaking malalaki’t matitipuno at siya’y nanlalaban, manghahalihaw at maya-maya pa’y nakita niyang tumaas ang mahabang batuta ng isang nakauniporme at sinangga niya iyon at sinikmuraan niya ang mga hawak at siya’y sinipa nito at aywan kung bakit bigla na lamang nagkaroon ng patalim ang kanyang kamay at nanaksak siya, nanaksak nang walang patumangga hanggang sa ang mga daliri niya ay manlagkit sa kulay-granateng dugo.
Makirot ang kanang likod ng kanyang ulo. Sinapo niya iyon, may dugo. Mabigat ang talukap ng kanyang mga mata, ngunit sinikap niyang dumilat. Tinakasan ng lakas ang kanyang mga bisig ngunit nakagagap pa rin siya. Subalit hindi nagtagal, may mga kamay na sumaklit sa kanya, pabaltak siyang itinindig at isang mukhang mabalasik
ang bumulaga sa unti-unting nabuksan niyang paningin.
Bakit mo siya pinatay? Bakit?
Natulala siya. Sino ang kanyang pinatay? Bakit siya pumatay? Bakit?
Hindi siya sumagot. Parang tangang tumingin siya sa mabalasik na mukha at ang bibig nito ay bumuka at sumara at siya’y narindi lamang sa mga tanong nito at siya ay yumuko at sa pagyuko ay nahagip ng kanyang paningin ang katawang nakahandusay sa sahig at naliligo sa natuyo nang granateng dugo. Ang kanyang Tiyo Samuel? At itinaas ang kanyang mga kamay sa pagkagimbal at nakita niyang ang mga daliri niya ay may dugo at iya’y nanghihilakbot at napasigaw at siya’y niyugyog ng mga humahawak sa kanya at muli’t muli siyang tinanong: Bakit mo siya pinatay?Bakit?
At sa pagdilat – pagpikit niya ay nakita niyang ipinarada sa kanyang mukha ang isang balisong, ang pagkapilak niyon ay kakapiraso sa may dakong puno ng talim, sapagkat may bahid ng dugo.
NASA paltok sila ni Ligaya, sa likod ng kabit-kabit na gusali ng pamantasan. Nakahiga siya sa damuhan at si Ligaya ay nakalupasay sa kanyang tabi at nakatanaw sa ilaya.
Tinangnan mo ! Hayan, tingnan mo!
Hindi siya kumilos. Ang tiningnan niya ay mga bagay kay Ligaya na kinagigiliwan niyang tingnan, tulad ng taynga, ng batok na may itim na nunal, at ang buhok nitong kay-haba, ngunit ngayon ay ipinaputol na, at ang punggos ng balikat na tulad sa hindi pa nalilini na gintto ang pagkakayumanggi.
Bumangon ka nga, Felipe. Tingnan mo!
At binatak ang isa niyang bisig at napilitan siyang bumangon at tumanaw sa ilaya.
O?
Hayun! Nakikita mo ba’ng usok na ‘yon?
Ano’ng usok ang sinasabi mo? Wala naman, a!
Felipe, tinutudyo mo ba ako?
Nakabaling sa kanya si Ligaya at naglulunoy siya sa mga matang iyon at dagli, nagnasa siyang halikan iyon at simsimin ang tubig na nagpapakislap sa kaitimang naroroon.
Di ba ‘yon ang factory ng tiyo mo?
O?
Ang yaman ng tiyo mo. Sabi ng aking Itay, ang Papa mo lang ang mayaman… hindi ang tiyo mo. Pero nang mamatay ang Papa mo, yumamang mabuti ang tiyo mo.
Nakatanaw si Ligaya sa mga gusaling may labasan ng usok na naghahamon wari sa langit. Isang malawak na lupa ang kinatitindigan, nanakukubkob ng matataas na pader. Kumislap ang mga bubong sa tama ng sikat ng araw.
Baka balang araw, mayaman pa ‘yo ang tiyo mo!
Nalusaw sa paningin niya ang mga gusali, ang malawak na lupang kubkob ng matataas na pader. Nasa isang bundok-bundukang niyugan sila ng kanyang Tiyo Samuel at nakatunghay sila a maraming bunduk-bundukan ng mga niyog nawawaiwas ang mga dahoon, ngunit paglilisan na ang malakas na hihip ng hangin, ang malalabay na dahon ay yuyuko, na wari bagang isinusuko ang katayugan sa nakatingalang lupa!Nakabota ang kanyang Tiyo Samuel, nakabastipol, may hawak na baston at itinuturo sa kanya ang lawak ng ari-arian ng kanyang ama.
Mula rito hanggang … iyong lahat ‘yan!
Ang doon ay waring walang katapusan … isang kahabaan ng kaluntiang hindi maabot ng kanyang paningin.
Pagsapit mo ng beinte-dos … iyo na ‘yan
at kailangang paghandaan mo. Kaya gusto ko’y agrikultura ang kunin mo... dahil malupa ang iyong Papa.
Pinipilit niyang abutin ng tingin ang malayong doon ng lupain ng kanyang yumaong ama at marahan, parang isang munting dasal ang inusal niyang mayaman ako!.mayamang-mayaman! At kasunod niyan ang badya ng tuwa.
Nalusaw a kanyang paningin ang mga bundok – bundukang iyon at ngayon, nasa himpapawid sila ng kanyang Tiyo Samuel, sakay ng isang helicopter at nakatunghay sa kanila sila sa makapal na kaluntian ng punong abakada.
Masdan mo… iyong lahat ‘yan!
Libu-libong punong abakada, malalapad na dahong susun-suson, waring nakatunghay sa mamula-mulang lupang kinatamnan at sa pagbaling niya sa kanyang tiyo ay naroon ang liwanag ng isang mukhang tiwalang-tiwala sa hawak nitong kapangyarihan.
Pagpalain mo ang abakadang ito, tulad ng pagpapala ng iyong Papa. Mula sa lupang iyan, ang walang katapusang biyaya ay mapapasaiyo.Ngunit binawi niya ang tingin sa kanyang Tiyo Samuel. Nalusaw anf mukhang iyon at ang pumalit ay isang mukhang putting-puti , matangos na ilong, ginintuang buhok at nakatabako, at nagtatawa at wari’y may inililihim sa kanya. Sa mukhang iyon ay sumanib ang nagtataasang mga gusali, ang dambulang mga makina, ang libu-libong taong bahagi ng mga makinang iyon at ang mga tela , at ang mga pako at ang papel at ang mga sapatos at ang mga plastik na kagamitan, umaagos ang mga iyon, patungo sa kinaroroonan ng kay-raming mga kayumangging nakaabang nangakataas ang kamay sa pagkakatuwa, sumasalubong upang sa isang iglap, ang agos ng mga kagamitang ito ay kanilang dumugin nang dumugin at sila’y nagkakagitgitan, nagkadagildilan, nagkayakapan, nagkasikuhan at sila’y
parang mga hayop na bigla na lamang naging mga balik sa pag-aagawan sa pira-pirasong mga buto!
Sumigaw siya. Tigil! Huwag! Nguni’t hindi magkamayaw ang lahat. Sigawan pagbabanta. Halakhak ng malakas. Daing ng mahihina. Ang karimlan ay manipis at pinagmadan niya si Ligaya. Isang katawang kayumangging pagkaraang mahubaran ay pinatitingkad ng manipis na karimlan at hnipo niya iyon at nadamang mainit at, dahan-dahan, ikinulong niya iyon sa kanyang mga bisig at dinama ng katawan at pagkaraang sumayad ang kanilang katawan sa malambot na hihigan ay inusal niya, isang usal ng isang magsasakang maghahasik pa lamang ng palay sa bagong sinuyod na linang: ano m,an ang manggyari, alagan mo ang iiwan ko sa’yo. Hindi siya sinagot ni Ligaya. Dumaing itong parang nasugatan at inabot ng kanyang kamay ang kanyang ulo at hinila at siniil ng halik ang kanyang bibig.
Sa karimlang iyon, sa kapayapaan ng kanilang katawan ay parang puting aninong sumulpot ang kanyang Tiyo Samuel at siya’y binatak sa bisig at siya’y pinagmasdan at saka binalingan Ligaya at sila’y kapwa kinaladkad a harap ng salamin at sa isang iglap, sa sumambulat na liwanag, ay natanghal ang hubad nilang katawan.
Tingnan mo ang iyong kulay! Tingnan mo ang sa kanya! Nagtatangis ang mga ngipin ng kanyang Tiyo Samuel. Naroon ang poot. Sa kanya; pagkasuklam; kay Ligaya, pandidiri.
Nakikita mo?
Nakikita mo?
Ang sigaw na iyon ay sinagot ng mga hikbi ni Ligaya. Ng pagtutukop ng dalawang kamay sa maselang bahagi ng katawan, ng pangangatal ng mga bisig nito, sa pagbuka ng bibig na waring ibig paghimagsikan.
Naramdaman niya ang pagbatak sa kanya ng kanyang Tiyo Samuel. Inilalayo siya kay Ligaya, inilalayo.
Nagpupumiglas siya. Bitiwan mon ako! Bitiwan mo ako! Lumayo si Ligaya, lumayo at maya-maya, bigla na lamang itong nawala. Nagpupumiglas siya. Nangagat at naniko att umigaw at siya’y nakahulagpos at sa kahubdan niya ay hinanap niya si Ligaya.
Ligaya! Ligaya!
Nakita niya ang sarili sa isang pangit na pook: sa mga datig-datig na dampa, sa mga nagpupusaling eskinita, sa mga tulay na nangangapal sa kapit ng putik. Tumatakbo siya, hinahabol ang aninong naanyuan niya mula sa malayo, mabilis sa pagtakbong walang inaalagatang katitisuran-kahahantungan – ang mahalaga’y abutan ang aninong naanyuan niya at pigilin at yakapin at muli, dalhin sa silid niyang iyon at aluin at muli, pagpunlaan ng kasiyahang aalagaan nito ano man ang mangyari sa kanya.
ISANG araw ay may dumaong na bapor mula sa Europa. Isang higanteng bapor na nagtatanghal ng mabibigat na kasangkapang Europeo at niyakag niya roon si Ligaya. Tumuon ang kanyang tingin sa mga makinang iyon. Makikintab na gayong nakahinto at hindi umaandar ay waring naghahatid sa kanya ng ugong. Naririnig mo ba si Ligaya. Nakatitig sa kanya si Ligaya at parang maiiyak ito sa pagkaunawa kaipala sa kanyang iniisip.
Umuugong, Ligaya. Umuugong!
At hinaplos niya ang makina at ang lamig ay nanulay sa kanyang mga ugat at sinabi niya kay Ligaya na balang araw,
ibig niyang lumikha na gayong makina, at makita ng libu-libong makinang umuugong sa kanyang kapaligiran, umuugong walang hinto, parang mahiwagang awit ng Ibong Adarna, magpapabangon sa mga tisikong mga katawan sa lugar nina Ligaya, at magpapadaloy ng dugo sa mga tabaing katawan at magpapaumbok ng masel sa mga bisig na walang magawa. Nakikita niya ang libu-libong mukhang iyon, pumapasok lumalabas sa mga higanteng pabrika, hindi yuko ang ulo, hindi pagal, hindi nakatiim-sa-poot ang mga bagang, kundi nangakatawa, nangabibiruan at nagsisipamadali, na wari bagang may naghihintay sa kanila, sa kani-kanilang destinasyon. Muli, hinaplos niya ang
mga makinang iyon, at pinihit niya ang isang ikiran at umikot ng bahagya ang makina at hindi na iyon tumigil at nagsimulang umugong, kinain ang mga katawan ng abakang bagong kabubuwal at niligis ang laman ng mga niyog na biyak sa gitna, umuugong na parang awit ng Ibong Adarna, pumailanglang sa papawirin at ssa mga tahanang hindi na pawid, kundi mga konkreto at nangagdungawan ang mga mukhang walang hapis, ang mga mukhang sumasalubong sa
tamis ng awiting iyon.
Naiintindihan mo ba ako, Ligaya?
Nguni’t muli, hindi siya siinagot ni Ligaya, kundi pinakatitigan siya nitong kaipala’y nakaunawa sa kanya at parang nahigop itong kanyang katawan sa isang iglap at numipis ang liwanag at nakita na naman niyang hubad si Ligaya, ang buong pagkababae ay isang dipang kayumangging lupa at niyakap niya ang katawang iyon at inual ang dati niyang inuusal at dumating si Ligaya at sa kanyang isip ay nabuo ang isang kasiyahang balangaraw ay aalagaan ni Ligaya ano man ang mangyari sa kanya.
Felipe! Felipe!
Hinabol siya ng kanyang Tiyo Samuel. Tumalilis siya. Nagpasikut-sikot siya sa mga nakahambalang na karton na pagsisidlan ng mga pulbos na iniluluwa ng mga mumunting bibig sa pabrika ng kanyang Tiyo Samuel. Hindi siya lumingon. Natatakot siyang sa kanyang paglingon ay pamatigil siya sa paghakbang at hindi siya makalayo.
Felipe!
Felipe!
Binilisan niya ang paglakad, halos takbo na, subalit dumalas at lumakas ang bagsak ng mga yabag sa kanyang likuran at bago siya makaiwas ay nahawakan siya ng matigas na kamayng kanyang Tiyo Samuel.
Wala kang utang na loob!
Parang sinampal siya. Napaharap siya sa kanyang Tiyo Samuel. Sinusurot siya ng mga paningin nitong parang dalawang daliring isinusundot sa kanyang mukha.
Matapos siyang mapalaki. Gaan’ong edad mo nang mamatay ang iyong Papa?
Nakarinig siya ng malakas na tili. Naghihimagsik na tili. Ayoko! Ayoko!
Lumalakas pa. Namumuno sa kanyang pandinig.
Hindi ko hinihinging bayaran mo ako. Aanhin ko’ng kabayaran mo? Huwag mo lamang akong hiyain sa mga kaibigan ko. Mga pilantropo ‘yan na maggnenegosyo sa Pilipinas para tulungan ang ating matatalino na walang salaping magagamit sa pag-aaral. Kailangan nilang puhunanin ang kanilang salapi, upang magpatuloy ang kanilang pagbibigay ng tulong sa matatalino natin. Bakit tututulan ang pagpeprenda ng kalahati ng ari-arian mo? Makatutulong ka sa dahilang
layunin nila. At walang anumang panganib na malustay ang salapi mo. Bakit? Nang gamitin ko ba sa mga negosyo ko ang pera mo, ang kabuhayan mo ba’y nabawassan kahit isang kusing? Hindi. Kabit-kabit ang aking mga pabrika, at ni isa bang pirasong lote ay naiawas sa iyong lupain.
Lumalakas pa ang tili. Sinisiil ang kanyang taynga. At muli, tinalikuran niya ang kanyang Tiyo Samuel. Patakbo siyang
lumayo. Tumakbo ng buong bilis. Ngunit patuloy na lumalakas ang tili, humahabol. Ayoko! Ayoko! at sa pagtakbo niya ay parang may isang batang lalaking labindalawahing taong gulang na nakita niya sa malayo, isinasakay ng isang lalaki sa
isang matangkad na kabayo at ayaw sumakay ang bata at nagsisipa at nagtatadyak, ngunit tinatampal ng lalaki. Papalapit siya. Nakaririndi na ang tili. Ibig na niyang bumalik, nguni’t hinahabol siya ng kanyang Tiyo Samuel. Sasalungahin na rin niya ang tili. Tatakpan na lamang niya ang kanyang taynga. At papalapit na nga siya at
lumilinaw ang anyo ng bata at ng lalaki hanggang sa nang mapaharap siya sa mga iyon ay namangha siya: ang batay
siya! ang lalaki ay ang kanyang Tiyo Samuel! Napahinto siyang bigla,parang tuod na isinaksak sa lupa at sa pagkakitang ang bata ay naisakay na sa kabayo at ang latigo ng lalaki ay nakaamba sa katawan ng hayop, sumigaw siya, malakass na sigaw at ang kabayo ay biglang umigtad at sumibad ng takbo at ang batang nagtitili ay nangakataass ang kamay sa ma matinding pagkatakot. Pagkaraan ng ilang saglit, ang tili ay naging bulong na lamang ng lumipas
na mga sandali.
Matagal bago bumalik ang kabayo. Wala na ang tili; hindi na niya narinig. Ang bata’y nakadapa sa ibabaw ng
hayop, nakalaylay ang mga bisig. Ang kabay ay lumapit sa lalaki at inungkad-ungkad ang mukha nito, na wari bang sinasabi: Panginoon, natupad ko na po ang ipinag-uutos n’y at tinapik-tapik ng lalaki ang umuungol na kabayo na wari bagang isinagot:
Magaling! Magaling!
Sa pagkakatigalgal inabot siya ng kanyang Tiyo Samuel at hinawakan nito ang kanyang malalatang bisig at siya’y inakay na pabalik at muli, nagdaan sila sa naghambalang na mga karton na paglalagyan ng mga pulbos na iniluluwa nmumunting bibig ng mga makina sa pabrika at sa loob ng silid na tinakasan niya ay nakangaupo ang tatlong dayuhang lalaki, ginintuan ang mga buhok, mapupula ang mga mukha at matatangos ang mga ilong.
Nakangiti ang kanyang Tiyo Samuel na nagsalita at nagttaguan ang mga lalaking dayuhan at ang isa sa mga ito
ay naglalakad ng mga papeles sa mesa at tinabihan iyon ng isang pluma. Muli hinawakan niya ang kanyang Tiyo
Samuel sa bisig at inakay sa luklukang katapat ng mga papeles at iniupo siya roon at inabot sa kanya ang
pluma at hinawakan niya iyoon at lumagda siya sa mag papeles.
Pumikit siya. Ang umalit na manipis na karimlan sa kanyang isip ay nagluwa ng isang hubad na katawan, Kayumangging katawan na kilala niya sa tingin, langhap at dama. Parang matigas ang mukha, parang naninisi at nagyuko
siya ng ulo at matagal, naroon siya’t naghihintay wari ng parusa, ngunit ang kayumangging katawan sa kanyang harap ay parang bato, walang kilos, walang tinig, walang init!
Hindi ko kasalanan, Ligaya! Napiilitan lamang ako !
At siya’y umiyak.
Ang kayumangging katawan ay biglang nagkabuhay, lumapit
sa kanya at inabt siya ng saklaw ng init ng dugo nito at siya’y tumingala at
nakita niyang ang mga matang iyon ay may luha.
Nakikkiramay sa kanya si Ligaya!
YAON ay kagubatan ng mga kartelon. Nagsisigawan ang maraming kabataang lalaki at babae, nagtutungayaw,
nagmumura. Sa malapad na hagdanang may maraming baitang, ilang pulis ang nakataliba, pinangangalagaan ang tatlong malalaki ang tiyang lalaki na naka-amerikana.
Ito’y para sa kabutihan natin. Kung ang kasunduang parity ay hindi palulugitan, saan tayo magbibili ng ating produkto sa mataas na halaga?
Nagsigawan na naman. Booo! Boooo!
Itinaas niya ang kanyang dalawang kamay. Nangangatal na mga kamay na waring may hawak na granadang handang pasabugin sa ibaba ng hagdanang iyon, upang ang gusaling iyong tagapagtanggol ng dayuhang interes ay gumuho.
Ibagak ang mga imperyalista!
Nagsunuran ang mga kabataang lalaki nagtungayaw. Booo! Booo!
May kaguluhan na sa dakong kaliwa ng hagdanan. Ilang kabataang lalaki at babae na may dalang kartelon ang
nagtangkang pumanhik sa hagdanan, hinadlangan ng mga pulis, itinulak, hanggang sa isang babae ang nangudngod nang saklolohan ng mga nasa ibaba ay nanunggaang mga pulis at nagkaroon ng paghahamok.
Ibagsak ang mga imperyalista!
Parang mababanat ang mga litid sa leeg niya. Parang
hinahatak na kung anong mga kamay mula sa itaas ang kanyang mga bisig.
Nagpatuloy siya sa pag-sigaw, hanggang sa maramdaman niya na may dumaklot sa
kanyang likod. Napalingon siya.
Tiyo Samuel!
Hindi siya binitiwan ng mga kamay na parang agila. Binatak siya, papalayo sa karamihan, palabas sa kagubatan ng mga kartelon, patungo sa isang makintab na limosinang nakaparada sa ibayo ng lansangan.
Isinalya ssiya sa loob ng sasakyan. Bumangga sa katangan ng kamay ang kanyang baywang at nakadama siya ng kirot. Ang balisong na nakasukbit doon ay waring umukab sa kanyang laman.
Sa bahay!
Sumibad ang limosina, iniwan ang kagubatan ng mga kartelon, ang gusaling sa pagkakatunghay sa mga kabataang
lalaki at babae ay parang isang matandang bingi sa mga sigaw.
Sa bahay, dinatnan niiya roon si Ligaya.
Bakit ka narito, Ligaya?
Tumingin lamang si Ligaya sa kanyang Tiyo Samuel. Waring takot ang mga mata ni Ligaya.
Bakit?
Ipinakaon ko siya.
Bumaling siya sa kanyang Tiyo Samuel. Nag-uusig ang kanyang mga mata. Tinagos ang nakikita niyang kabuktutan sa kalooban nit, nilulutas ang hiwaga ng pagkakataon kay Ligaya.
May problema ka.
Ang problema?
Nagdadalangtao siya!
Napatigalgal siya, pagkatigalgal ng isang naalala, at
sumibatang kanyang tingin kay Ligaya at sinagad ang dakng puson at nang makitang may umbok ay napalapit dito.
Totoo?
Muli, Tumingin! Ligaya sa kanyang Tiyo Samuel. Saglit na tinging humantong sa pagyuko, sa paghikbi, sa pagkaligalig ng balikat.
Huwag kang matakot… pakakasalan kita!
Nilapitan siya ng kanyang Tiyo Samuel. Hinawakan siya sa
bisig at inilayo siya kay Ligaya.
Hindi? Bakit? May pananagutan ako sa kanya!
Sapagkat siya’y hindi para sa iyo.
Tingnan mo’ng balat mo… mestiso ka … tingnan mo’ng balat niya …kayumanggi! Ano ang sasabihin ng Papa mong
namatay?
Pananagutan ko’ng nangyari sa kanya?
Wala kang pananagutan, Felipe. Aalisin natin ang sanggol na ‘yan. Madaling alisin
Nakarinig siya ng kaingayan, ng sigawan, ng takbuhan.
Nakarinig siya ng sipol ng mga sirena, nakarining siya ng putok ng mga rebolber.
Umikot ang kanyang paningin. Nasa liblib siya ng kagubatan ng mga kartelon,
nagigitgit ng dalawang pangkkat ng mga lalaking nakauniporme, na may hawak na mahahabang batuta at nakaamba at
papatayin siya.
Hindi! Hindi
Hindi na ang tinig niya ang kanyang narinig. Libu-libong tinig ng mga kabataang lalaki at babae, tumututol, naghihimagsik. Parang ang isang santinakpan ay biglang nagising, parang mga hinaing sa dibdib ay biglang
bumulwak at kumalat sa buong daigdig.
Ligaya, umalis ka na! Ligaya, umalis ka na!
Sumigaw siya ng paulit-ulit na sigaw na bumatak sa kanyang mga litid sa leeg at si Ligaya ay nanlabo sa kanyang paningin at ang lahat ay umikot at siya ay tinangay at sa pagtangka niyang pigilin ang pag-ikot na iyon ay napahawak siya sa kanyang baywang at nagapgap niya ang balisong at napahigpit ang paghawak niya roon hanggang sa iyon ay mahugot at sa pag-ikot niya, ipinaghalihaw niya ang balisong na iyon, sapagkat may nakabibinging halakhak na sumusunod sa kanya sa pag-ikot at pagdilat niya ay nababanaagan niya ang kanyang Tiyo Samuel, ang maluwang na bibig ay waring isang hayok na bunganga ng dambuhalang sa ilang sandali pa ay lalagom sa kanya.
Mahigpit ang pagkakaapol, itinaas niya ang balisong at sa isang kisap- mata ay lumabas siya sa nag-uumikot niyang paningin at ang patalim ay ibinaon niya sa dibdib ng humahalakhak niyang Tiyo Samuel.